140

Sep 21, 2020 @ 17:17
By

Jay Sonza: Julia nabuntis ni Gerald

Malaki ang naging pasabog ng dating broadcaster na si Jay Sonza tungkol sa rumored couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Sa Facebook post ni Sonza, sinabi nito na nagbunga umano ang ‘love lockdown’ ng dalawang artista at nakabuo ng baby.

“Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog,” ayon sa post ni Sonza.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” aniya pa.

Wala pang nilalabas na pahayag ang dalawang artista sa paratang ng dating broadcast journalist.

Ngunit matatandaan na dating umalingasaw ang mga report na nakita umano si Julia sa bakasyunan ni Gerald sa Zambales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?