192

Nov 9, 2017 @ 14:48
By

Jay-R at Mica amoy kasalan na

NASA isang Korean restaurant kami last week kasama ang manager ni Martin Nievera na si Joy Alonzo nang makita namin si Jay-R kasama ang girlfriend niyang si Mica Javier.

Lumapit pa sa mesa namin si Jay-R para makipagtsikahan. Nanghinayang si Jay-R na moved to next year ‘yung Soul Brothers concert series nila nina Billy Crawford at Kris Lawrence sa Amerika dahil kumpleto na sana ang plano nila.

Eh, taga-Amerika naman talaga si Jay-R, kaya mabi-visit sana niya ang kanyang pamilya at may mga gagawin din sana siya na kailangan din niyang baguhin na ang plano dahil nga sa last minute na pagkaka-moved to next year ng kanilang concert series.

Sabi namin kay Jay-R, mas okey naman ‘yon dahil sinabi sa amin ng promoter ng Soul Brothers na mas marami na silang gagawing shows dahil nga moved sila ng March next year.

Marami nga pala ang humuhula na ang current girlfriend na ni Jay-R ang babaeng pakakasalan niya!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?