77

Mar 2, 2020 @ 15:16
By

Jay R kinasal na sa longtime girlfriend

Umapaw ang emosyon sa kasal ni R & B singer Jay R sa kanyang girlfriend for over five years na si actress-singer Mica Javier.

Sa binahaging clip ng heartfelt message ni Javier para kay Jay R sa Instagram ni Coleen Garcia, pinipigilan ng una ang maiyak habang binabasa ang vows niya sa mister na ngayong si Jay R, gayundin naman ang huli.

“You helped me become a better manang (sister) to my siblings, and a better daughter to my father,” sabi ni Javier kay Jay R.

Ikinasal sina Jay R at Javier noong March 1 sa isang seaside ceremony sa Lind sa Boracay.

Ilan sa present sa kasalan sina KC Concepcion, Kylie Versoza at Billy Crawford.

Nag-propose si Jay R kay Javier noong October 2018.

Mahigit limang taon na silang magkarelasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?