38

Jun 20, 2021 @ 21:40
By

‘Jay’ pinakawalan ng Onic PH

Inanunsyo ng e-sports team na Onic PH nitong Linggo na pinakawalan na nila ang matagal ng manlalaro at team captain na si Jason Rafael ‘Jay’ Torculas.

Tatlong season sa Mobile Legends Professional League (MPL) – Philippines naglaro si Jay para sa Onic bilang tank.

Naging parte rin siya ng koponang sinabak ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games na naguwi ng gintong medalya.

Ang pag alis kay Jay sa roster ay maaaring naging tugon ng Onic upang mapaganda ang kanilang performance sa darating na MPL Season.

Nitong nakaraang MPL Season 7 ay tumapos lamang sa ika-pito at ika-walong puwesto ang Onic, kahati ang Nexplay Esports. Ito na rin ang pinakamababang naabot ng Onic sa apat na season nila sa MPL-PH.

Hindi pa naman inaanunsyo ang magiging kapalit ni Jay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?