27

Oct 16, 2021 @ 19:46
By

Jawo bida sa stamp ng PhilPost

Pinasilip ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ngayong Sabado ang commemorative stamps ng PBA legend na si Robert Jaworski.

Ang stamps ni ‘Jawo’ ay una sa tatlong serye ng stamps na ilalabas ng PhilPost bilang pag-alala sa mga Pinoy na malaki ang naiambag sa karangalan ng bansa.

“The Big J is an icon in more than one sense of the word – so much so that his figure is what embellishes the “B” in the logo of the PBA. His legendary status and his popularity are the result of his discipline, dedication, and passion on and off the court – and his “Never Say Die” attitude,” saad sa Facebook post ng PhilPost.

Isinabay rin ang pagpapalabas ng “SALAMAT – Pagpupugay sa mga Alamat” series: the ROBERT JAWORSKI – LIVING LEGEND commemorative stamps sa ika-75 anibersaryo ng PhilPost.

Dinaluhan ng anak ni Big J na si Dodot, kapwa PBA legend Ramon Fernandez, Ginebra players Joe Devance, LA Tenorio, Stanley Pringle, Mark Caguioa at Scottie Thompson at PBA Commissioner Willie Marcial ang seremonya ng pag-unveil ng nasabing stamp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?