13

Sep 19, 2020 @ 17:42
By

Javier ‘pinosas’ ng KaTropa

NAUNANG pumitik mula sa free agency ang TNT pandagdag sa nabutasang lineup dahil sa biglaang pagkawala ni Kelly Williams.

“We lost one,” lahad ni KaTropa governor at Board chairman Ricky Vargas. “Kelly, without us knowing, declared himself as retired.”

Paglabas ng memo mula sa PBA Commissioner’s Office na puwede nang mamik-ap mula free agency, hindi na nag-atubili ang TNT na hugutin si Chris Javier. Nilagay ng Blackwater ang 6-foot-5 bruiser sa free agency, naging unrestricted free agent with rights to salary.

Ibig sabihin, aakuin ng TNT ang kontrata ni Javier hanggang December. Produkto ng UE ang 27-anyos na si Javier, second-round pick ng Magnolia noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?