444

By

JaVale McGee, Lance Stephenson sasanib kay LeBron sa Lakers

Sharing is caring!

Ilang oras matapos kunin si LeBron James, nilambat naman ng Los Angeles Lakers si Lance Stephenson para sa one-year, $4.5 million deal noong Linggo ng gabi.

Naglaro si Stephenson ng 82 games para sa Pacers noong nakaraang season. Nakilala siya bilang hepe ng Indiana na taga-asar kay LeBron.

Hindi pa nakuntento ang Lakers, biningwit din umano nito si JaVale McGee.

Mula sa Warriors ang two-time NBA champion na binigyan ng one-year deal para sa veteran minimum.

Nakipag-deal umano si McGee ilang oras matapos magdesisyon si James na lumipat ng Los Angeles, ayon kay Chris Haynes ng ESPN. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?