29

Jan 13, 2022 @ 16:29
By

Jason Momoa, Lisa Bonet hiwalay na

Hiwalay na ang “Aquaman” actor na si Jason Momoa sa kaniyang childhood crush na si Lisa Bonet.

Sa Instagram post ng aktor, ibinahagi nito ang kanilang Joint statement ni Lisa.

“We have all felt the squeeze and changes of these transformational times… A revolution is unfolding ~ and our family is of no exception… feeling and growing from the seismic shifts occurring. And so~ We share our Family news~That we are parting ways in marriage,” pahayag ng dalawa sa Instagram.

Ayon pa sa dalawa, ibinahagi nila ang paghihiwalay hindi dahil ito ay karapat-dapat na mai-balita kundi dahil gusto nilang mamuhay nang may dignidad at katapatan.

“We share this not becauss we think it’s newsworthy ~ But so that~ as we go about our lives we may do so with dignity and honesty,” paliwanag ng aktor.

“The love between us carries on, evolving in ways it wishes to be known and lived. We free each other ~to be who we are learning to become,” dagdag pa nito.

https://www.instagram.com/p/CYprLX4pTdW/?utm_medium=copy_link

Noong Oktubre 2017, kinasala sina Jason at Lisa. Dati na ring inamin ng aktor na noong 8 taong gulang pa lang umano siya ay crush na niya ang aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?