163
jason-melai
By

Jason-Melai, 8 milyon na ang nilason

Sharing is caring!

Parehong ‘bagong bahay’ para kay Jason Francisco ngayong 2018.

Bagong bahay dahil may pinagawa sila ng misis na si Melai Francisco sa Mindoro at doon nga sila nag-celebrate ng Christmas at New Year.

Kuwento ni Jason, “‘Yung lote na ‘yun matagal na. Parang paglabas ko ng PBB, nabili ko na.”

May bahay sila rito, sa Binangonan pero, hindi raw nila natutuluyan dahil malayo at binebenta na rin nila. Ito ‘yung napanalunan ni Melai sa PBB. Sa ngayon, nagre-rent lang daw sila sa may New Manila at isa rin sa next project nilang mag-asawa, ang magkaroon din ng sariling bahay sa Manila.

Bagong bahay rin siya in-terms of network dahil mula sa pagiging Kapamilya, heto’t sa Kapuso naman siya napapanood. Kasama rin siya sa bagong primetime series na TOTGA bilang matalik na kaibigan ni Dennis.

Nilinaw nga lang niya na hindi pa siya nakakontrata sa network, pero nakakontrata siya ng management sa PPL Entertainment, Inc. Tingin naman ni Jason, mas nagwu-work din na magkaiba sila ng network na mag-asawa.

Nami-miss din daw niyang katrabaho ang asawa dahil matagal na silang hindi nagkakasama sa isang proyekto. Pero kung meron man isang kinabibiliban si Jason sa mga fans ng ‘Melason’ grabe pa rin daw ang suporta sa kanila.

“Ang Facebook page namin, almost 8 million na ha. Kaya ako, kahit na hindi ako ganu’n kahilig sa social media, nag-a-update ako. Para dun sila nakakakuha ng update. Very millennial ang dating,” sabi pa ni Jason.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?