10

Nov 17, 2021 @ 18:38
By

Jason Abalos nagtapos ng Master’s degree

Magiging kapaki-pakinabang kay Jason Abalos ang natapos niyang master’s degree na may specialization sa public policy sa pagpasok niya sa mundo ng politika.

Sa ulat, proud na sinabi ni Abalos na nagtapos niya kamakailan ng Master’s Degree in Management, Major in Public Administration sa Philippine Christian University.

Bago nito ay mayroon nang civil engineering degree si Abalos.

Nilinaw niya na walang kinalaman ang natapos niya sa pagtakbong board member ng Nueva Ecija.

Aniya, gusto raw niyang mag-iwan ng legacy at turuan ang mga bagong henerasyon ng mga estudyante.

Dream daw nila ng nobyang si Vickie Rushton na magtayo ng paaralan para tulungan ang mga kabataan salat sa pinansiyal na kakayahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?