Humingi ng tawad ang aktor na si Jason Abalos dahil sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang tweet, nagpahayag si Abalos ng pagkadismaya sa Pangulo matapos hindi tuparin ang pangako noong kampanya na magje-jet ski patungong West Philippines Sea (WPS) upang igiit sa China na sakop ito ng Pilipinas.
“Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin n’yo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pagbabago,” saad ni Abalos patungkol sa isang artikulo kung saan sinabi ni Duterte na gusto man niyang pumasok sa WPS ay ano naman daw ang makakamit nito.
Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago.. https://t.co/CiN0RZmrEW
— jason abalos (@thejasonabalos) April 20, 2021
Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng pagsisisi si Abalos sa pagboto kay Duterte.
Binanatan niya rin noon ang Pangulo dahil dinadaan sa joke ang pandemya matapos mamatay ang kaibigan niyang doktor sa coronavirus.
“Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke?? Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!” ani Abalos sa kanyang July 24, 2020 tweet.
Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke?? Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!
— jason abalos (@thejasonabalos) July 23, 2020