200

Feb 28, 2018 @ 16:03
By

Jasmine, ‘di pinapatulog ni ‘Hulk’

Ilang araw nang binubuwisit si Jasmine Curtis-Smith ng kanyang kapitbahay dahilan para idaan niya ang reklamo sa kanyang Twitter.

@jascurtissmith: “Guys, naalala nyo yung kapitbahay sa taas ng unit ko na nagiging hulk at 2am kasi padabog ang paglalakad nya?

“Anyway ang saya kasi sa umaga naman nagpapa-construction sya. Pahirapan makatulog dahil sa dabog sa madaling araw, tapos pukpok martilyo naman sa paggising.”

Nasundan ito ng isa pang tweet tungkol pa rin sa kanyang kapitbahay.

“Huhu kasi naman bakit 2am lang padabog ang lakad? Every waking hour para syang daga, pero at 2 am..”

Nag-react naman ang kanyang followers at pinayuhan ang aktres na ireklamo sa management ng building ang activities ng kanyang kapitbahay o direktang kausapin niya ito o padalhan ng sulat.

Puwede rin namang lumipat si Jasmine ng ibang condo para magkaroon siya ng peace of mind.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?