75

Jul 7, 2019 @ 15:33
By

Jasmine Curtis-Smith, Ruru Madrid magtatambal sa bagong proyekto

Magsasama sa bagong proyekto ang Kapuso Stars na sina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid.

Ibinahagi ng dalawang artista ang balita sa kanilang mga fan at follwers sa pamamagitan ng pagpopost ng larawan nilang dalawa sa Instagram nitong Biyernes (July 5).

“#CaraXJagger” lamang ang detalyeng ibinahagi ng mga ito sa kanilang caption sa IG post. Ito marahil ang pangalan ng mga karakter na kanilang gagampanan.

View this post on Instagram

#CaraXJagger

A post shared by Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8) on

Ibinahagi rin ng GMA Artist Center sa kanilang social media na ang dalawa nga ay opisyal na magtatambal sa isang produksyon.

“#RuruMadrid and #JasmineCurtisSmith are #CaraXJagger! Coming soon!” tweet ng ahensya.

Samantala hindi pa naman malinaw kung ang proyektong pagtatambalan nina Smith at Madrid ay pelikula o teleserye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?