By

Jasmine Curtis-Smith magpapakasal na rin

Sharing is caring!

Pasasaan ba at posibleng sumunod na ring magpakasal ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith.

Kung ibabase sa mga posting ng indie film star, umaapaw sa pagibig ang relasyon nito sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

Hindi puwedeng walang larawan ang aktres sa kanyang Instagram account na magkasama silang dalawa nito lalo’t sa mga out of the country o vacation get-away nilang dalawa.

Palaging may expression of love si Jasmine sa kanyang boylet na kinakikiligan ng kanyang mga followings.

Kung pakapalan ng love, mas makapal ang pag-ibig ni Jeff kay Jasmine dahil halos mapuno ng mga photos nilang dalawa ang IG gallery.

Sa isang photo nila na magkadikit ang kanilang pisngi na kuha sa wedding ni Anne, muling nagpahayag ng kanyang pagmamahal si Jeff para kay Jasmine.

@jeffortega, “The only photo of us together because you were so hardworking #TheWannForAnne.”

Kung gugustuhin lang ni Jeff na mag-artista, papasa siya dahil sa kanyang good looks at height.

Pero wala talagang panlasa sa showbiz si Jeff at ayaw niyang magulo ang mundo nilang dalawa ni Jasmine.

Gaya ni Anne, masuwerte si Jasmine sa pagkakaroon ng isang matatag na lovelife, matapos mabigo sa pag-ibig kay Sam Concepcion. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?