414

Dec 16, 2017 @ 15:55
By

Jasmine Curtis-Smith isinisi ang pagpayat sa paglalaba, pagluluto

Sinagot ni Jasmine Curtis-Smith ang mga tanong kung bakit ang payat-payat niya ngayon. Kung noon ay marami ang naseseksihan sa kanya, ngayon daw ay mukha nga raw itong anorexic beauty na. Siyempre, karamihan sa mga tagahanga niya ay naba-bother sa kapayatan nito ngayon.

Kaya, para matigil ang anumang isyu tungkol sa kanyang weight problem ay nagpaliwanag ang kapatid ni Anne Curtis. Ayon sa kanya, habang nagsu-shoot sila ng ‘Siargao’ ay sobrang stressed siya dahil wala siyang katulong.

Sobrang pagod daw siya lagi sa pagluluto, paglalaba at pag-aalaga ng dalawa niyang aso, kaya tuloy-tuloy ang kanyang pagpayat.

Hindi naman ito dahilan para pag-isipan pa siya ng kung ano-ano dahil nabigla lang ang kanyang katawan sa biglaang pagbabago ng routine sa kanyang daily life activities.

Naku, baka raw na-insecure siya sa kaseksihan ni Erich Gonzales sa pelikulang ito kaya hindi rin siya nagpakabog, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?