201

Feb 1, 2018 @ 19:59
By

Jasmine Curtis ayaw na sa TV5

Tapos na ang kontrata ni Jasmine Curtis Smith sa TV5 kaya lilipat na siya sa ibang television network. Simula sa March, opisyal na ang pagiging Kapuso ni Jasmine dahil pipirma na siya ng kontrata sa GMA 7.

Magkatulong ang GMA Artist Center at ang ma­nager ni Jasmine na si Betchay Vidanes sa pamamahala sa career niya.

Ang nalalapit na paglipat ni Jasmine sa GMA 7 ang magtutuldok sa mga haka-haka na pipirma ang dalaga ng kontrata sa ABS-CBN dahil nag-promote siya sa mga programa ng Kapamilya Network ng Siargao, ang official entry sa Metro Manila Film Festival na nagbigay sa kanya ng best supporting actress award. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?