26

By

JASIG ‘wa epek’ na dahil sa pagbasura ng peace talks – Palasyo

Sharing is caring!

Wala ng bisa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG ngayong kanselado na ang peace talks sa Communist Party of the Philippines/ New Peoples Army/ National Democratic Front (CPP/NPA/NDF).

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, mangangahulugan ito na aarestuhin at ibabalik na sa kulungan ang mga lider komunista na nabigyan ng safe conduct pass noong panahong mayroon pang ginagawang pag-uusap.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang nagsabing kailangang ibalik sa kulungan ang may 30-40 na lider komunistang pansamantalang pinalaya dahil wala ng peace talks.

Sinabi ni Roque na bahala na ang Department of Justice na kumilos para madakip ang mga tinaguriang legal front ng komunistang grupo.

“Since there are no more peacetalks, there is no imperative to recognize this JASIG. It was the President himself who said that he will now order the arrest of the…the term he used was the “legal front” of the CPP-NPA. So that’s the current policy,” ang pahayag ni Roque.

Kabilang sa mga pansamantalang pinalaya noong mayroon pang pang peace talks at naging bahagi ng mga negosyador ay ang mag-asawang Benito o Wilma Tiamzon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?