8

Sep 16, 2020 @ 17:23

Jarencio, Tan, Ravena, iba pa sa ‘Usapang Sports on Air’

Kaabang-abang ang mga panauhin sa ika-12 “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom, Huwebes sa pagbisita nina PBA legend at coach Pido Jarencio at team manager Bonnie Tan.

Tatalakayin ng mga ito ang paghahanda ng NorthPort Batang Pier sa posibilidad na pagbabalik aksyon ng liga habang ibabahagi rin ni Tan ang pag-anib ng tatlo nitong bagong bala sa Letran Knights.

Bukod sa dalawa, eeksena rin sa 10am session sina Southeast Asian Games wushu champion Agatha Wong, MILO Sports executive Luigi Pumaren, BEST Center vice-president Monica Jorge, MILO Ambassador Kiefer Ravena at Blood Runner MultiSport founder Joel at Josephine Sabile.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa sa weekly public service program na handog ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Makakasama rin sa sports program na mapapanood sa Facebook at YouTube si veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez na magsisilbing moderator.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?