20

Mar 6, 2020 @ 18:35
By

Jarencio naalarma! Bolick ‘di nagpapakita sa NorthPort practice

Hinahanap ni NorthPort coach Pido Jarencio ang kamador niyang si Robert Bolick.

Dalawang araw bago magsimula ang 45th season ng PBA bukas, March 8, hindi pa raw nakikita ng coach ang second-year guard.

Inabot ng season-ending ACL injury si Bolick sa Governors Cup noong October.

Inoperahan ang 6-foot-1 guard mula San Beda, nagpunta raw ng US habang nagpapa-rehab pero nakabalik na rin ng bansa.

Sinabi ni Jarencio na tumatawag naman si Bolick, baka raw nasa Ormoc lang.

Hindi pa makakalaro sa all-Filipino ang 24-anyos na third pick overall ng Batang Pier noong 2018.

Posibleng July o August pa siya makabalik.

Pero may pahabol si Jarencio.

“Ang tanong nga kung magpapakita. Hindi pa siya nagpapakita sa amin eh,” anang mapagbirong coach.

Kahit sa ensayo raw ay walang paramdam ang Gilas player.

“Hey, paging Robert Bolick. Pakita ka sa amin sa practice ha,” dagdag ni Jarencio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?