115

Oct 26, 2019 @ 15:20
By

Jarencio aligaga kay Bolick

Umaasa si NorthPort coach Alfredo ‘Pido’ Jarencio na ‘di matatapatan ng mahalagang bagay ang importanteng panalo ng Batang Pier kontra grandslam-seeking San Miguel Beer nitong Miyerkoles ng gabi.

‘Di maitago ni Jarencio ang pag-aalala tapos ng laban ng NP kontra Beermen sa 44th PBA Governors’ Cup elims dahilan sa pagtatamo ng injury sa inaasahang rookie na si Robert Bolick.

“Ang concern ko ngayon si Robert Bolick,” sabi ni Jarencio. “Sana wala naman grabe na nangyari.”

Aktuwal na buong Batang Pier ang nag-aalala kay Bolick na nasaktan sa kanang tuhod, may walong minuto sa final quarter, at ‘di na nakabalik sa laro bago naitakas ng Batang Pier ang 127-119 panalo.

Agad na dinala si Bolick sa St. Luke’s Hospital sa BGC, Taguig matapos kung saan ang test result ay agad pinadala kay orthopedic surgeon Jose Raul Canlas Biyernes ng gabi.

Nakatakdang magtungo ngayong Sabado ng umaga si Bolick para obserbahan ang kanyang injury sa klinika ni Canlas.

Nakuha ang injury si Bolick habang paatake sa basket sa huling 8:04 segundo ng laro. ‘Di niya nakumpleto ang laro nakatapos lang na may 9 points, 3 rebounds, at 6 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?