54

Mar 12, 2020 @ 13:07
By

Japeth pinapraktis ang ‘S2pid Love’ vs COVID-19

Nag-iingat na si Ginebra star Japeth Aguilar para makontra ang coronavirus.

At isang paraan para makaiwas dito ay ang pagkanta ng ‘St2pid Love’ ng Salbakuta.

Sa tweet ng kanyang fiancé na si Cassy Naidas, maririnig si Japeth na nira-rap ang isang verse ng sikat na rap song, na isasabay nito sa paghugas ng kamay para umabot ng 20 seconds, na sinasabing dapat na tagal ng paghugas para matanggal ang virus.

“Taught @japethaguilar35 to wash his hands for 20 seconds by singing “S2pid Love” until “girly biddie byebye”, which he’s been doing,” ayon kay Cassy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?