345

Oct 5, 2021 @ 18:05
By

Japeth napuruhan ang misis

Magiging tatay na ang Ginebra star na si Japeth Aguilar.

Sa Instagram ibinahagi ng kanyang asawang si Cassandra Naidas na ipinagbubuntis na niya ang panganay nila ng basketbolista.

“Some miracles take a little time… We are thrilled to be a small family of 3 (+5 furbabies),” sey ni Cassandra.

Kasabay nito ay nanawagan siya ng dasal dahil high risk aniya ang pagbubuntis niya.

“Asking for your prayers through this journey. I have some conditions that make this pregnancy high risk and despite taking many medications and treatments, prayers are what we need most,” aniya.

https://www.instagram.com/p/CUoknN1JPdS/

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?