52

By

Japeth kumasa sa ‘Tala’ dance challenge

Aliw na aliw ang mga kakampi ni Japeth Aguilar at mga nanood sa championship party ng Barangay Ginebra nang game na game na nagsayaw ang Finals MVP.

Binahagi ng PBA ang video ng pagsasayaw ni Japeth sa kanilang official Twitter account.

Ang victory party ng Ginebra ay matapos nitong magbalik sa trono nang pundihin ang Meralco, 105-93, sa Game 5 ng 2019 PBA Governors’ Cup Finals noong January 17 sa Mall of Asia Arena.

Nasungkit ng crowd-favorite ang Governors’ Cup trophy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?