834

By

Japeth Aguilar magaling sa paghampas

Kung hindi naging basketbolista ang 6-foot-9 Ginebra forward na si Japeth Aguilar, malamang ay makikita niyo siya sa isang concert o musical event.

Sa artikulo ng Spin.ph, inilahad ni Japeth kung papaano siya nahilig sa musika, na naging kasabay ng kanyang pagtahak sa mundo ng basketball.

Dahil sa pagiging aktibo sa church noong siya’y nasa Pampanga pa, maagang namulat si Aguilar sa mga instrumento na ginagamit sa mga sambahan.

Iba’t ibang instrumento ang kayang tugtugin ni Aguilar, ilan dito ay ang gitara, drums, saxophone at clarinet.

Ngunit sa mga ito, drums talaga ang malapit sa puso ng four-time PBA champion dahil sa pagiging pisikal nito pag tinutugtog.

Patunay nito ang kanyang pagsali sa isang banda noong Grade 5 pa lamang ang PBA veteran na may pangalang ‘Banda Dose’.

Sa ngayon, tumutugtog na lang si Japeth bilang pampa-relax dahil sa pagka-busy sa buhay atleta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?