264

Jun 20, 2019 @ 14:43
By

Japanese union, nagbibigay ng libreng training para sa caregiving

Magandang balita para sa mga Pinoy na nagnanais na kumita ng malaki at magtrabaho sa Japan.

Inanunsiyo ng Cooperative Union Business Supply Aichi (CUBSA), isang Japanese union na tumatanggap ng mga manggagawang Filipino sa Japan, ang libre at ongoing na training/seminar sa Japanese caregiving sa Makati City.

Isinasagawa ito sa training facility ng Pro-Tech Skills Development Center Corporation sa Makati City na isa sa prestihiyosong training center at accredited ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Kawamichi Nobuaki, presidente ng CUBSA, nagsimula ang libreng training/seminar noong Hunyo 19 at tatagal ng hanggang Hunyo 26.

Ito ang kauna-unahang training seminar sa bansa at layon nito na maihanda ang mga Pinoy sa kanilang employment sa Japan at maituro at maipaunawa sa mga Filipino care worker at nurses ang mga makabagong paraan na ginagamit ngayon sa Japanese caregiving.

First-come, first-served basis ito at bukas sa lahat ng Filipino nurse at mga caregiver na nagnanais na magtrabaho sa sektor ng caregiving sa Japan.

Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa free training seminar, maaaring tumawag sa alinmang Pro-Tech staff at sa cellphone numbers 0917-7056706/0939-2284225. Maaari ring mag-email ng kanilang katanungan sa marketing@pro-techcorp.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?