104

Apr 11, 2018 @ 8:37

Japanese tourist patay sa Leaning Tower of Pisa

Nasawi ang isang turistang hapon nang malaglag sa ikaapat na palapag ng sikat na Leaning Tower of Pisa sa Italy.

Ayon sa report, nasa ikaapat na palapag ng monumento ang 63-anyos na Hapon na bigla itong makaramdam ng pagkahilo at nalaglag.

Sinikap ng mga rescuers na iligtas ito subalit bigo sila. Hindi pa mabatid kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Pansamantalang isinira ang monumento dahil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?