25
princess
Jun 18, 2018 @ 20:24
By

Japanese Princess manonood sa World Cup

Nakatakdang bumisita sa Russia ang isang miyembro ng Japan’s Royal Family upang panuorin kanyang bansa na maglaro sa World Cup.

Si Princess Tokamado ay bibisita sa Russia para panuorin ang Japanese soccer team na maglalaro sa World Cup.

Ito ang unang pagkakataon na may bibisitang isang Japanese royal sa Russia mula noong 1916.

Ayon sa ulat na inilabas ng Kyodo News Agency, wala sa plano ng prinsesa ang makipagkita sa mga delegado o mataas na opisyal ng Russia.

Pero, panunuorin daw nito ang laro ng Japan kontra sa bansang Columbia at Senegal sa dalawang siyudad sa Russia na Saranks at Ekaterinburg.

Ang relasyon ng Moscow at Tokyo ay kasalukuyang hindi maganda dahil sa paglabas ng U.S missile at pag-deploy ng Russian warplanes sa mga pinag-aagawang isla sa Hilagang Japan.

Wala pang anumang pahayag ang Japan’s Imperial Household Agency at Japan Football Association ukol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?