By

Japanese Nobel winner naospital, asawa natagpuang patay sa US

Sharing is caring!

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad mula sa northern Illinois ang pagkamatay ng asawa ng isang Nobel Prize winning chemistry professor, na natagpuan ang katawan sa landfill o tambakan ilang oras matapos maiulat na nawawala ang mag-asawa sa Indiana.

Ayon sa Ogle County Sheriff’s Office, nakita ng deputies ang katawan ng 80-anyos na si Sumire Negishi at sasakyan ng mag-asawa noong Martes sa Orchard Hills Landfill, kasunod ng pagkakatagpo kay Ei-ichi Negishi, 82, na naglalakad malapit sa lugar.

Sabi ng sheriff’s department, wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay ng ginang ngunit hindi nito isiniwalat ang resulta ng ginawang awtopsiya sa bangkay.

Sa inilabas na pahayag ng departamento, naospital umano ang mister ng babae.

Naiulat na nawawala ang mag-asawa noong Lunes mula sa kanilang bahay 200 milya ang layo sa West Lafayette, Indiana, kung saan Purdue University chemistry professor si Ei-ichi.

Nanalo ng Nobel Prize ang naturang Japanese scientist noong 2010. (AP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?