197

Jun 24, 2021 @ 19:23
By

Japanese na tinurukan ng Moderna vaccine pumanaw

Nasawi ang isang 94-anyos na lalaking taga-Japan, isang araw matapos niyang mabakunahan ng COVID-19 vaccine na gawa ng US firm na Moderna, Inc.

Ito ang unang naiulat na pagkamatay na kinasasangkutan ng isang nabakunahan ng Moderna vaccine sa Japan, ayon sa The Japan Times.

Pumanaw ang pasyente dahil sa subarachnoid hemorrhage.

Sinusuri na kung may kaugnayan ang pagkamatay ng pasyente sa bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?