52

By

Japanese model Hiro Nishiuchi, tumulong sa nasalanta ng habagat

Sharing is caring!

For the second time ay muling nakaharap at nakatsikahan ng ilang entertainment press ang Japanese beauty queen-actress-model at itinalagang Philippine Tourism Fun Ambassador na si Hiro Nishiuchi kamakailan.

Tsika ni Hiro, at home na aniya siya sa Pinas kaya nagpapabalik-balik siya rito. Katunayan ay iba’t ibang lugar na rin daw sa bansa ang napuntahan niya at talagang nag-enjoy siya sa magagandang tanawin bukod pa sa masasarap na pagkaing Pinoy.

Nitong nakalipas na Hunyo lang nagsimulang mag-promote ng iba’t ibang lugar sa ‘Pinas si Hiro at sey niya, target pa niya na maikot at malibot ang iba pang beautiful sceneries sa bansa.

Multi-talented si Hiro dahil bukod sa pagiging aktres sa Japan, 1st runner-up sa Miss Universe Japan last 2014, at model-product endorser, mahusay rin siyang umawit.

Sa katunayan ay nagparinig siya ng sample ng pagkanta sa ilang entertainment press na dumalo sa kanyang presscon at umani ng paghanga sa mga ito.

Open din si Hiro sa pagpasok sa local showbiz kaya paunti-unti ay nais niyang matutunan ang pagsasalita ng Tagalog.

Sa maikling pananatili sa bansa, naging abala si Hiro sa pamimigay ng relief goods sa mga binaha sa San Juan dahil sa Habagat. Pumunta rin siya sa Tagaytay para makita kung gaano ito kaganda para maipamalita niya sa Japan bilang bahagi ng pagiging Tourism Fun Ambassador niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?