38

Nov 6, 2017 @ 17:38
By

Japanese investors dadagsa sa PHL

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na aabot sa $6 bilyon o P300 milyon ang halaga ng mga investments sa Pilipinas na ipinangako ng mga negosyanteng Hapon.

Aniya, nakatanggap na siya ng Letters of Intent mula sa ilang kompanya para mamuhunan sa kuryente, tren, tubig, mining, agrikultura at ship building.

Sinabi ni Lopez na pagpapakita lang ito ng bentahe ng Pilipinas sa mga mata ng mga foreign investor para sa foreign direct investments (FDIs).

Dagdag pa ng kalihim, may ilang kompanya rin sa Japan na may interes sa joint ventures sa sektor ng enerhiya, agrikultura, environment research and development, automotive software development, transportation and urban development at information and communications.

“These projects, ranging from retail, commercial, and residential property development, are indubitable signposts of a growing modern economy,” ani Lopez.

Dagdag pa nito, ang pamumuhunan ng mga negosyanteng Hapon ay lilikha ng mga karagdagang trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?