202
Japanese general bumisita sa AFP
Mar 4, 2019 @ 19:24
By

Japanese general bumisita sa AFP

Nag-courtesy call si General Koji Yamazaki, ang Chief of Staff ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF), kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr, Lunes sa Camp Aguinaldo.

Sa nasabing pagbisita, pinag-usapan ang development ng engagement ng AFP at JSGDF, kasama ang service-to-service exchanges sa ikinasang Defense Cooperation Agreement.

Napag-usapan din ang army-to-army engagements ng Philippine Army at Japanese force.

“The visit of the JGSDF Chief of Staff and the Defense Cooperation Agreement between AFP and JSDF encouraged more high-level or mid-level exchange visits in the future, ” ayon kay Colonel Noel Detoyato, ang AFP Public Affairs Chief.

Nagpasalamat naman si General Madrigal sa mga ibinigay na spare parts at iba pang military equipment ng Japan.

Hanggang March 6 pa mamamalagi si General Yamazaki sa bansa, bago umalis ay makikipagpulong muna kina Commanding General of the Philippine Army, Lieutenant General Macairog Alberto at DND Undersecretary of Defense Policy Ricardo David Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?