43

Japanese firm, bagong maintenance provider ng MRT-3

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) ang bagong maintenance provider para sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Maaaring umanong magsimula ang Japanese company na Sumitomo Corporation sa pangalawang bahagi ng taong 2018.

“(This could happen) as early as April, May of next year,” ani Transportation Assistant Secretary TJ Batan sa CNN.

“The first step before any maintenance provider can start working is for them to review the condition of the system,” dagdag pa nito.

Aniya, hindi lang umano pagmamantine ang gagawin ng kumpanya kundi maging ang rehabilitasyon sa sistema ng MRT ay pagtutuunan nito ng pansin.

Nakatakda umano ang pirmahan ng government-to-government agreement bago matapos ang taong ito.

Ang Sumitomo at technical partner nitong Mitsubishi Heavy Industries ang siyang nagdisenyo at naggawa ng MRT-3 at namantina nila ito mula pa noong magsimula ang operasyon taong 2000 hanggang 2012 na pagtatapos ng kanilang kontrata.

Matatandaan na noong Nobyembre 6 ay kinansela ng pamahalaan ang maintenance contract sa Korean group na Busan Universal Rail Inc. (BURI) bunsod ng sunod-sunod na aberya sa MRT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?