123
japan-detroyer
By

Japanese destroyer, darating sa PHL bukas

Dadaong sa Pier 15 South Harbor sa lungsod ng Maynila ang isa sa barkong pandigma ng Japan.

Sa ulat ni Captain Lued Lincuna, tagapagsalita ng Philippine Navy, alas-7:30 ng umaga bukas (Mayo 25) ay darating ang Japanese ship na Asagiri Class Destroyer Setogiri (DD-156).

Ginagamit ng Japan Maritime Self Defense Forces ang barkong ito na mayroong sakay na isang helicopter.

Nasa 220 officers at crew ang lulan ng barko, na pinamumunuan ni Captain Susumi Moriyama, Commander of Escort Division Seven; at si Commander Tokeshi Tonegawa, commanding officer ng Japanese Ship Setogiri.

Isang welcome ceremony ang inihanda ng Philippine Navy para sa pagdating ng barko na dalawang araw lamang mananatili sa bansa.

Parte ng port visit ang pagdating ng Asagiri Destroyer sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?