By

Japanese destroyer, bumisita sa Pinas

Sharing is caring!

Nakadaong ngayon sa Pier 15, South Harbor, Manila ang Japan Self-Defense Force (JSDF) vessel JS OONAMI (DD-111), isang anti-submarine Destroyer matapos dumating sa bansa para sa dalawang araw na goodwill visit.

Bago dumaong sa pantalan sa Maynila ay nagsagawa muna ang Philippine Navy (PN) vessel BRP Rajah Humabon (PF11) ng pagpupulong sa Corregidor Island at sinundan ang nabanggit na barko patungo sa pagdadaungan nito.

Nagsagawa rin ang mga kinatawan ng PN ng welcome ceremony sa pagdating ng mga nasabing barko at sinundan ng port briefing na may kaugnayan sa health and security sa mismong JS OONAMI.

Ito na ang pangatlong beses na pagbisita ng JSDF vessels sa bansa ngayong taon. Ang kaparehong goodwill visits ay isinagawa Enero at Hunyo ng kasalukuyang taon.

Layon ng pagbisita na palakasin ang relasyon sa pagitan ng PN at JSDF para pag-ibayuhin ang pagpapalaganap ng kapayapaan, kapanatagan at maritime cooperation sa rehiyon. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?