98
abante-tonite-hiro-nisiuchi
By

Japanese actress-beauty queen, type pasukin ang local showbiz

Nais pasukin ng Japanese actress-model at 2014 Miss Japan-Universe 1st runner-up na si Hiro Nishiuchi ang local showbiz sakaling mabigyan ng pagkakataon.

Sa isang pocket interview kamakailan, sinabi ni Hiro na type anya niyang subukan ang suwerte niya sa showbiz pero dapat muna niyang magsanay sa pagsasalita ng Tagalog.

Si Hiro ay kasalukuyang nasa bansa matapos italagang Philippine Tourism Fun Ambassador noong June 25, 2018 para i-promote ang Pinas sa Japan.

Ang goal ni Hiro, “Promote Fun in the Philippines through International Conversations” na may layuning hikayatin at magbigay-kaalaman sa mga tao na nakikilala niya sa iba’t ibang panig ng mundo.

Isang kilalang aktres at model si Hiro sa Japan at sa iba pang bansa. Mahilig umano siyang magbiyahe at sa katunayan ay may 30 bansa na siyang napuntahan. Nakapaglabas na rin umano siya ng isang libro hinggil sa mga napuntahan niyang lugar.

Tsika pa ni Hiro, mahal daw niya ang Pinas, ang mga tao rito pati na ang iba’t ibang pagkain natin. Ilang magagandang lugar na rin ang narating niya rito gaya ng Palawan, Iloilo, Cebu at Bohol.

At since love raw niya ang Pilipinas kaya pwede rin niyang ikunsidera ang pagkakaroon ng kasintahan dito kung sakali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?