38
Mga gustong mapatalsik si Duterte, mapapahiya lang - Palasyo
By

Japan trip ni Duterte hindi pabuya sa mga gov’t official – Palasyo

Itinanggi ng Malacañang na pabuya sa mga opisyal ng gobyerno ang Japan trip kasama si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang matagumpay na midterm elections.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may kanya-kanyang misyon ang mga miyembro ng gabineteng bitbit ng Pangulo sa kanyang biyahe sa Tokyo, Japan at hindi para magbakasyon o magpasarap.

Ayon kay Medialdea, halos wala sa mga kampanya ang mga opisyal ng gobyernong kasama sa Japan trip ng Presidente kaya hindi ito masasabing pabuya ang biyahe sa mga ito.

Bukod dito, sinabi ni Medialdea na hindi rin dekorasyon sa dadaluhang summit sa Tokyo ang mga bitbit na opisyal dahil magtatrabaho ang mga ito.

“Hindi naman. Puro halos wala sa kampanya ang mga kasamang opisyal. May mga kanya-kanyang trade missions ang mga kasamang gabinete. Hindi po sila dekorasyon sa summit. Trabaho lang ‘yan. Ok. Have to work. Thanks for understanding,” ani Medialdea.

Nauna rito, inihayag ni Philippine Ambassador Jose Laurel V na aabot sa 200 ang opisyal at staff na kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang biyahe sa Japan para dumalo sa 25th International Conference on the Future of Asia batay sa imbitasyon ng Nikke, Inc.

Pero batay sa opisyal na listahang inilabas ng Malacañang, 16 na miyembro lamang ng gabinete ang kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang Japan trip, hindi kasama dito ang business delegation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?