232
ABANTE PASIG RIVER COAL JAPAN TECH
Jan 18, 2018 @ 14:22
By

Japan technology na mag-aalis ng amoy sa mga estero, pinasinayaan

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang bagong teknolohiya na mag-aalis sa amoy ng tubig sa mga estero at sa kabuuan ng Ilog Pasig.

Tinawag itong Granulated Coal Ash o GCA na isang Japanese technology na pinag-aralan din ng mga dalubhasa mula sa University of the Philippines-Diliman.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, ang installation at monitoring ng granulated coal ash water treatment system ay isinagawa nila sa Estero de San Miguel bilang pilot project ng University of Hiroshima.

Sa naturang proyekto ay maglalagay pa ang PRRC ng mga GCA sa iba pang lugar na dinadaluyan ng Ilog Pasig para sa rehabilitasyon ng kalikasan at kapakanan na rin ng mga mamamayan. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?