15

Jun 6, 2021 @ 11:28
By

Japan team suspendido presscon kay Kiefer

Hindi na matutuloy ang press conference ng Shiga Lakestars na para sana kay Kiefer Ravena.

Ayon sa pahayag ng Japan B.League team, suspendido ang naturang press conference dahil sa naging desisyon ng PBA na sundin ang kontrata ni Kiefer sa Pilipinas.

“On June 2nd we had an official announcement of signing Kiefer Ravena for the 2021-2022 season.
However, after the announcement, it was reported in the Philippines that there are issues in his current contract,” saad ng Lakestars.

“We have decided to postpone the press conference until a more appropriate time, as holding a press conference with Ravena and us at this time may add more confusion of the situation,” lahad pa.


Nangako naman ang Lakestars na patuloy na makikipag-ugnayan sa PBA para maayos ang isyu.

Matatandaan na binawalan ng PBA si Ravena na maglaro sa Japan dahil sa kontrata niya sa NLEX Road Warriors.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, nakipag-usap na sila sa Japan B.League para ipaalam ang kanilang desisyon na hindi maaring maglaro si Kiefer sa kanilang liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?