34

Apr 21, 2021 @ 18:49
By

Japan prime minister kinansela pagbisita sa ‘Pinas

Nauunawaan ng Malacañang ang desisyon ni Japanese Prime Minister Suga Yoshihide na ipagpaliban muna ang pagbisita sa Pilipinas ngayong buwan dahil sa COVID pandemic.

Kasunod ito ng anunsiyo ng tanggapan ng prime minister na ipagpapaliban muna ang kanyang biyahe sa India at Pilipinas ngayong katapusan ng Abril dahil nais muna nitong tutukan ang problema sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Japan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang paglutas sa mataas na COVID case ang parehong nasa agenda ng dalawang bansa at sinusuportahan ng Pilipinas ang naging desisyon ni Prime Minister Yoshihide.

“Defeating the COVID-19 pandemic is high on both the Philippines and Japan’s agenda and remains a key point of cooperation. The decision to postpone a planned official visit based on this ground, therefore deserves support,” ani Roque.

Mananatili aniyang matatag at magpapatuloy ang partnership at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan para harapin at tugunan ang hamong hatid ng COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?