45

Oct 24, 2017 @ 11:05

Japan PM Abe, binati ni Duterte

Nagpaabot ng pagbati ang Malacanang kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe dahil sa muling panalo nito sa katatapos na eleksiyon.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abela na ang panibagong mandato ni Prime Minister Abe ay indikasyon ng mas pinahusay na ugnayan ng Pilipinas at Japan.

Kumpiyansa ang Palasyo na magtutuloy-tuloy ang matatag na ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa lalo na sa aspeto ng ekonomiya, socio-political at defense security.

“This fresh mandate augurs well for the excellent Philippine-Japan ties. We have many points of collaboration with our neighbor in the North, which includes economic, socio-political security and defense cooperation.

We are therefore confident that both countries’ solid and strategic partnership would continue to gain greater strength in the years to come,” pahayag ni Abella.

Ang bansang Japan ang isa sa matalik na kaibigan ng Pilipinas at malaki ang naitulong sa bansa lalo na sa mga proyektong imprastruktura at sa darating na buwan ay inaasahang isasapinal ng dalawang bansa ang kasunduan para sa paggawa ng subway system sa bansa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?