188
balkman2
By

Japan pinulbos! Balkman kinubra ang 3rd straight ‘W’ sa Jones Cup

Doble selebrasyon ang ipagdiriwang ni Renaldo Balkman.

Una, ang kanyang ika-35 kaarawan, pangalawa, ang paggiba ng Mighty Sports-Go for Gold Philippines sa Japan para kubrahin ang 94-59 win, Linggo ng hapon sa Changhua Gym, New Taipei City, Taiwan.

Sa first half pa lang ay pinakita ng Mighty Sports ang nakakasakal nilang depensa, siyam na puntos lang ang nailusot ng Japan sa second quarter para maitarak ng PH ang 38-26 lead patungong second half.

Third frame ay nanalasa ni Balkman, kumubra ang Puerto Rican ng 13 points sa naturang canto at makaabante ng bente papasok sa final canto.

Hindi na nakabangon pa ang Japan, at pinakitaan pa ni Balkman ng isang breakaway jam sa dulo dahilan para maghiyawan ang mga Pinoy fan sa venue.

Tumapos ang dating San Miguel import tangan ang 25 points, 12 rebounds at dalawang blocks. Nakatuwang niya si dati ring PBA reinforcement Eugene Phelps na kumamada ng 19 points at pitong rebounds.

Ang dalawa namang Fil-Am na sina Mikey Williams at Jason Brickman ang nagpakitang-gilas sa mga locals. Sumungkit ng 17 points, tatlong tres ang pinukol, si Mikey Williams habang nag-ambag ng eight points at six boards si Jason Brickman.

Sina Flippin Koh at Haruta Ogawa naman ang nanguna sa Japan, na ipinadala ang kanilang Team B, para sa 10-point finish.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Mighty Sports, haharapin ang University of British Columbia Thunderbirds (Canada) sa Lunes, alas-tres ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?