271
Iskedyul, hadlang kay Jaja sa SEA Games
Sep 3, 2019 @ 11:43
By

Japan o ‘Pinas? Jaja delikado sa 2019 SEA Games

Hindi pa sigurado si volleyball star Jaja Santiago para sa PH national team na isasabak sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ito’y dahil nakapirma pa ng kontrata ang dating National University skipper sa Saitama Ageo Medix, isang club team sa Japan.

Agosto ay nasa Japan na si Jaja buhat nang tapiking reinforcement ng Ageo Medix, ngayon ay kakailanganing mamili sakaling hindi magkasundo ang national squad at Japanese team.

“I really want to play in both tournaments. But it all depends now on the agreement of LVPI (Larong Volleyball sa Pilipinas) and the Ageo Medics,” ayon kay Santiago

“I expect that I would get allowed to play in both because those are two important teams for me.”

Sinabi na ng Ageo Medix na handa silang ipahiram si Jaja sa national team, ngunit isang linggo lamang ang maibibigay nito.

Tingin naman ng LVPI, hindi magiging makatarungan kung biglang isasalpak sa koponan si Jaja para sa mga nag-tryout sa national team slot.

“I hope that I won’t get to choose between SEA Games and Japan V-League,” hiling ni Jaja.

Kung sakaling hindi magkasundo at ‘di makapaglaro sa ‘Pinas si Jaja, magiging malaking kawalan ito lalo’t siya ang bumandera nang mag best scorer sa kanyang 2018 Asian Games

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?