334

Nov 29, 2017 @ 14:30
By

Japan, nagbigay ng 100 patrol vehicles sa PNP

Nagbigay ang Japan government ng 100 na patrol vehicles sa Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan mismo nina PNP Chief Ronald dela Rosa at Japanese Ambassador Hoji Kaneda ang ceremonial turnover at blessing sa mga patrol vehicle na isinagawa sa harapan ng PNP national headquarters sa loob ng Camp Crame.

Ayon kay Dela Rosa, ang 100 bagong patrol vehicles na ito ay may halagang P210 milyon na malaki ang maitutulong sa ginagawang pagpapatrolya ng PNP na layong mabawasan ang krimen.

May suhestyon naman ang gobyerno ng Japan at gusto nilang i-deploy ang mga bagong patrol vehicle sa mga lugar na maraming naninirahang mga Japanese.

Pinayuhan na rin daw ni Dela Rosa ang PNP Directorate for Logistics na siguruhing magagamit lamang ang mga bagong patrol vehicle sa pagpapatrolya at hindi para gawing personal na gamit ng commander o ‘di kaya’y ipa-re-paint ito para gawing private vehicle. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?