85

By

Japan nag-alok ng air defense radar sa PH

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga ulat na ibinebenta ng Japan ang kanilang air defense radar sa Pilipinas.

“Yes, they are offering to us their latest radars. It is one of the platforms being evaluated by the Philippine Air Force,” aniya.

Ayon kay Lorenzana, pinag-aaralan pa umano ang naturang alok at pagdedesiyunan ito sa susunod na taon.

Magagamit umano ito sa pag-monitor sa mga sasakyang panghimpapawid at pandagat na pumapasok at lumalabas ng Pilipinas.

Sa report ng Japanese news agency na Asia Nikkei, ibinebenta umano ng Japan ang Mitsubishi Electric FPS-3 air defense radar system nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?