38

Japan, gold sa FIVB Beach Volleyball World Tour

Sharing is caring!

Winasiwas nina Ayumi Kusano at Takemi Nishibori ng Japan sa dalawang set sina Paulo Gutiérrez at Maria Belén ng Spain, 21-14, 21-18, para kunin ang medalyang ginto sa FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open sa SM Sands by the Bay.

“We’re so happy, this is perfect,” sambit ni Kusano matapos manalo sa laban.

Nasungkit nina Erika Bobadilla at Michelle Amarilla Paraguay ang medalyang tanso matapos ungusan sina Shinako Tanaka at Sakurako Fujii ng Japan, 21-17, 21-16.

Ikinatuwa nina Bodadilla at Amarilla ang kanilang unang medalya sa FIVB World Tour, gayundin ang suporta ng ilang Pinoy sa kanilang pananatili sa bansa loob ng linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?