48

By

Japan binulabog ng magnitude 6.7 na lindol

Sharing is caring!

Hindi pa man nakakaraos sa hagupit ng super typhoon Jebi, muli na namang sinalanta na kalamidad ang bansang Japan nang bulabugin ng magnitude 6.7 lindo sa isla ng Hokkaido nitong Huwebes, Setyembre 6.

Tinatayang ilang bahay ang lumubog dahil sa pagbulusok ng landslide sa nasabing lugar ayon sa NHK.

Sinundan pa ito ng 5.4 aftershock ayon sa Japan Meteorological Agency, batay naman sa US Geological Survey ay umabot ang lindol sa magnitude 6.6.

Ilang kalsada ang hindi madaanan dahil sa mga tumumbang puno pati na rin ang ilang gumuhong gusali dahil sa lindol na umabot ng halos 30 segundo hanggang isang minuto.

Tinatayang aabot naman hanggang susunod na linggo ang maaring maranasang aftershock sa Hokkaido ayon din sa Japan Meteorological Agency. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?