64

By

Japan-3, ‘Pinas-0: Baba tungtong sa NBA

Patuloy ang pagpapakitang-gilas ng mga Hapon sa basketball, sapat para mapansin ng isang team sa NBA.

Dagdag sa Japanese player ng Dallas Mavericks si Yudai Baba, isang 6-4 wingman mula Toyama, Japan at naglaro para sa Alvark Tokyo sa Japan B League.

Nakasama sa Summer League lineup ng Dallas si Baba ngayong preseason, nag-average ng 4.0 points at 2.3 rebounds kada 12 minuto.

Ito ang ikalawang Japanese player para sa Mavericks, sa nagdaang NBA Rookie Draft ay sinungkit si Gonzaga University standout Rui Hachimura bilang ninth overall pick.

Samantala, isa pang Hapon ang nakapirma ngayon sa Memphis Grizzlies. Nasa D-League roster ng Memphis Grizzlies ang 24-anyos na si Yuta Watanabe na co-captain ng Akatsuki Five, ang national team ng Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?