53

Feb 19, 2021 @ 19:05
By

Janus del Prado kakalas na sa Star Magic

Magiging freelancer na si actor Janus del Prado matapos ang 21 taon sa poder ng Star Magic.

Inanunsyo niyang nag-decide siyang maging freelancer matapos ang kontrata niya sa talent-management arm ng ABS-CBN sa susunod na buwan.

Isa sa member ng Star Circle Batch 9 si Janus kasama sina Heart Evangelista, Angel Locsin, Rafael Rosell, Alwyn Uytingco at Coco Martin.

Inilunsad ang batch nila noong 2000.

“Thank you Star Magic (Talent Center) for making me a part of your family for more than 2 decades (21 years). From when I was just 15, training to be one of your talents in Star Circle Batch 9 (which I am) to Gmik, Qpids, etc, to now that I’m 36 years old doing Tito roles,” sey ni Janus sa Instagram post.

Ilan sa sikat na movie niya ang “Batang X” noong 1995 at “One More Chance” (20070 kasama sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?