7

Feb 25, 2021 @ 15:47
By

Janus 4 taon nang yosi-free

Sobrang proud si Janus Del Prado dahil apat na taon na mula nang magdesisyon siyang tumigil sa paninigarilyo.

Sa Instagram, kinuwento ng aktor ang mga naranasan niyang pagsubok noong ginusto niyang maging smoke-free.

“4 years na since nag-quit ako mag-smoke and I can tell you na it’s not easy. Madaming mangyayari sa’yo physically and psychologically. Tataba ka sobra, magsi-sink ka into depression, etc. But still, I’m glad I did it,” sey ni Janus.

“Syempre ‘yung mga kaibigan mo na smokers na ‘di naniniwala sa’yo na kaya mo, they will do everything to tempt you, pero nasa sa’yo na ‘yon kung marupok ka.”

“Anyway, buti na lang natigil ko. So proud of myself. Hehe. 4 years, man. Kung kaya ko, kaya n’yo rin. But ‘yun nga lang, dun tayo sa totoo. Hindi siya madali. Labyu guys,” dagdag niya kalakip ang hashtag na #smokefreesince2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?